^

Probinsiya

Misis tinodas ng mister sa harap ng lover

-
TAYABAS, Quezon – Dahil sa matinding panibugho ay naging ugat ng kamatayan ng isang 36-anyos na misis makaraang saksakin ng sariling mister habang kausap ng biktima ang kanyang lover sa Barangay San Isidro, Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Tayabas Community Hospital ang biktimang si Marlyn Mira Boloy ng Bagong Bayan, Mauban, Quezon. Samantala, ang suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang si Domingo Boloy, 40 karpintero ng nabanggit ding barangay.

Ayon kay PO2 Felicito Labitigan, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga sa loob ng bahay na pag-aari ni Wilia Manrique sa Orias Compound sa nasabing barangay.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima kay Russel Palomiano na pinaniniwalaang lover nang dumating ang suspek kaya agad nitong kinompronta ang dalawa.

Ngunit sa halip na humingi ng tawad ang biktima sa kanyang mister ay nagalit pa ito hanggang sa magkasugutan.

Dito na inundayan ng saksak ang biktima ng kanyang mister at sinamantala naman ni Russel na tumakas habang nagaganap ang krimen.

Napag-alaman pa sa impormasyong nakalap ng pulisya, bago pa maganap ang pangyayari ay kumalat ang masamang balita tungkol sa pakikipagrelasyon ng biktima sa ibang lalaki kaya naman natiyempuhan ng suspek na makita. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BAGONG BAYAN

BARANGAY SAN ISIDRO

DOMINGO BOLOY

FELICITO LABITIGAN

MARLYN MIRA BOLOY

ORIAS COMPOUND

QUEZON

RUSSEL PALOMIANO

TAYABAS COMMUNITY HOSPITAL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with