^

Probinsiya

Trike vs van: 2 dedo, 2 grabe

-
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi, samantala, dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang traysikel at van sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Anton sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Gonzales General Hospital sina Rodel Mangalino at Michael Villagarcia, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang sina Adrian at Freddie Alvarez na pawang residente ng Barangay San Anton.

Naitala ang aksidente bandang alas-9:10 ng gabi makaraang magsalubong ang traysikel na walang plaka at van (UST-256) na minamaneho naman ni Rodolfo Castillo ng Barangay Nuesa, Roxas, Isabela.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, tumilapon ang traysikel ng may ilang metro bago tumaob na ikinasawi ng dalawa.

Inaalam pa ng pulisya kung ang van o traysikel ang lumipat sa kabilang linya ng highway kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ADRIAN

BARANGAY NUESA

BARANGAY SAN ANTON

CHRISTIAN RYAN STA

FREDDIE ALVAREZ

GONZALES GENERAL HOSPITAL

MICHAEL VILLAGARCIA

NUEVA ECIJA

RODEL MANGALINO

RODOLFO CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with