^

Probinsiya

Bus terminal pinasabog ng MILF

-
Cotobato City – Isang bus terminal na tumanggi umanong magbigay ng extortion money sa sinasabing miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pinasabog kamakalawa sa lungsod na ito.

Dalawang hindi nakilalang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng MILF ang naghagis ng granada sa Weena Bus Line Terminal kamakalawa.

Nawasak ang restaurant sa loob ng nasabing bus terminal subalit walang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing grenade blast.

Ayon sa ulat, ang Weena Bus Line ang tanging bus na nagseserbisyo sa lungsod na ito at palagi umanong nakakatanggap ng extortion demands mula sa MILF.

Walong ulit na umanong pinasabog o tumanggap ng bomb attempt ang Weena Bus Line kung saan ang pinakahuling pagsabog sa Kidapawan City ay noong Oktubre at ikinasawi ng 9 na katao.

Mariing itinatanggi ng MILF na sila ang nasa likod ng mga pagpapasok o terorismo sa Mindanao matapos silang lumagda ng ceasefire at peace talks sa pamahalaan pero sa kabila nito ay palaging sila ang tinutukoy ng pulisya at militar na sangkot sa mga extortion para makalikom ng pondo ang kanilang samahan.

vuukle comment

AYON

BUS

COTOBATO CITY

DALAWANG

ISANG

KIDAPAWAN CITY

MARIING

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

WEENA BUS LINE

WEENA BUS LINE TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with