^

Probinsiya

2 babae nagbigti dahil sa selos

-
CAMP SEMION OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang matinding selos ang naging ugat upang magdesisyon ang dalawang babae na magbigti hanggang sa mamatay sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga at kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Joseilyn Guanlao, 24, dalaga, kawani ng Land Transportation Office (LTO) sa Daet, residente ng Barangay Mampili, Basud, Camarines Norte at pansamantalang nanunuluyan sa Bel-Air Subdivision, Purok Uno, Barangay Lag-on at si Maria Cristina Nieto, 39, may asawa ng Sitio Tagbaya, Barangay Upper Binahan Ragay, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si Guanlao ay nagbigti at natagpuan ang bangkay bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Nakuha sa kama ng biktima ang apat na suicide notes na humihingi ng tawad sa kanyang ina at dalawang kaibigang sina Carina at Jeff.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang ikaapat na suicide note ay tungkol sa pagkamuhi ng biktimang nagselos sa kanyang nobyong si Alvin Lo na pinaniniwalaang may ibang babae kaya nagdesisyong magbigti si Guanlao.

Si Nieto naman ay natagpuang nakabitin sa kanilang bahay ng kanyang live-in partner na si David Flores sa nabanggit na barangay dakong alas-10 ng umaga kahapon.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya na bago mag-suicide ang biktima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-live-in partner tungkol sa pambababae ni Flores na itinanggi naman nito. (Ulat nina Francis Elevado at Ed Casulla)

vuukle comment

ALVIN LO

BARANGAY LAG

BARANGAY MAMPILI

BARANGAY UPPER BINAHAN RAGAY

BEL-AIR SUBDIVISION

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DAVID FLORES

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with