^

Probinsiya

Magsasaka tinarakan ng bayaw, todas

-
GEN. EMILIO AGUINALDO, Cavite Isang 28 anyos na magsasaka ang nasawi matapos na saksakin ng kanyang bayaw na napikon sa kanilang argumento habang sila ay nag-iinuman kamakalawa ng hapon sa Brgy. Kaypaaba ng bayang ito.

Hindi na umabot ng buhay sa Poblete De La Salle Hospital ang biktimang si Joel Bautista, may-asawa, residente ng nasabing lugar sanhi ng dalawang saksak sa katawan.

Boluntaryong sumuko ang suspek na si Edison Gluton, 21, may-asawa, residente ng nasabing lugar sa kanilang Mayor na si Dencito Campana.

Lumalabas sa ulat, dakong alas-4 ng hapon ay nag-iinuman ang magbayaw nang magkaroon ng hindi pa mabatid na dahilan na ikinapikon umano ng suspek.

Kinuha ng suspek ang dalang balisong at tinarakan ng patalim ang bayaw. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BOLUNTARYONG

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DENCITO CAMPANA

EDISON GLUTON

ISANG

JOEL BAUTISTA

KAYPAABA

POBLETE DE LA SALLE HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with