^

Probinsiya

Barangay tanod pinugutan ng kainuman

-
TRECE MARTIREZ, CITY – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 52-anyos na barangay tanod matapos pugutan ng kanyang kainuman dahil sa pagtatalo sa panabong na manok kamakalawa ng hapon sa Barangay San Agustin, Putok 2 sa lungsod na ito.

Bukod sa nawalan ng ulo ay nagtamo rin ng maraming sugat likha ng itak ang biktimang si Augosto Panganiban, may asawa, samantala, ang suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen bandang ala-1:30 ay nakilalang si Gregorio Boctot, 50, may asawa, construction worker at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Cornelio Bugayong, lango na sa alak ang dalawa at dahil sa pagtatalo sa panabong na manok ay nairita ang senglot na suspek kaya pinagtataga na lamang ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AUGOSTO PANGANIBAN

BARANGAY

BARANGAY SAN AGUSTIN

BUKOD

CORNELIO BUGAYONG

CRISTINA GO-TIMBANG

GREGORIO BOCTOT

MAAGANG

PUTOK

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with