^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Totoy patay sa salpok ng dyip
PLACER, Masbate –Isang apat-na-taong gulang na batang lalaki ang iniulat na namatay makaraang masalpok ng pampasaherong dyip habang tumatawid sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Lalwod, Barangay Sta. Cruz sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Badiana Jr., samantala, ang drayber ng dyip (EVH-720) na si Jopanis Arpon ay kaagad namang sumuko.

Ayon sa pulisya, dalawang pasahero na sina Pedro Malaque, 66 ng Brgy. Villa Esperanza, Masbate at Jerlyn Gimeno, 26 ng Brgy. Sto Niño, Cataingan, Masbate ang nasugatan matapos na bumaligtad ang dyip dahil sa pagkakasalpok sa bata na naganap dakong alas-10:25 ng umaga. (Ulat ni Ed Casulla)
3 ‘holdaper’ dinakip sa Nueva Ecija
ZARAGOZA, Nueva Ecija –Tatlong kalalakihan na pinaniniwalang mga kilabot na holdaper ang iniulat na dinakip ng pulis-Zaragoza makaraang magsagawa ng operation sa Barangay Sto. Rosario Young sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Postibong kinilala ang mga suspek na sina Romeo Labagala, 33; Alvin Labagala, 21 na kapwa residente ng Brgy. Homestgead 2, Talavera, Nueva Ecija at Richard Allan Alejo, 33 ng Sta. Ignacio, Tarlac.

Nakumpiska sa mga suspek ang kalibre. 38 paltik na baril, patalim at granada na pinalalagay na gagamitin sa kanilang modus operandi sa mga pampasaherong sasakyan sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
2 bomb threat sa Cavite sumingaw
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang magkasunod na bomb threat ang iniulat na sumingaw makaraang magkaroon ng tensyon sa Indang Cental Elementary School at St. Martin Hospital dahil sa alarmang may sumambulat kaya inilikas ang lahat ng tao sa dalawang nabanggit na lugar kahapon.

Naitala ang unang bomb threat bandang ala-una ng hapon kaya inilikas lahat ng mag-aaral sa nabanggit na paaralan at kaagad namang nagresponde ang pulis-Indang ngunit walang nadiskubreng bomba.

Kasunod nito, nakatanggap naman ng bomb threat ang pamunuan ng St. Martin Hospital sa Noveleta, Cavite bandang alas-dos ng hapon kaya nagkaroon ng matinding tensyon sa loob ng pagamutan ngunit wala namang natagpuang bomba.

May Teorya si P/Sr. Supt. Samuel Pagdilao na pananakot lamang ang sumingaw na bomb threat ngunit inatasan niya na maging alerto ang kapulisan ng Cavite upang maiwasan ang malagim na trahedyang naganap sa Kidapawan bombing. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Stude tinodas sa paniningil ng inutang na pulutan
MARILAO, Bulacan – Naging ugat ng kamatayan ng isang estudyante ang paniningil ng inutang na pulutang tinapa na itinitinda ng biktima makaraang paluin ng tubo sa ulo kamakalawa ng hapon sa Barangay Loma de Gato sa bayang ito.

Idineklarang patay sa ospital si Herman Lapaos, 20, binata ng Brgy. San Rafael 3, San Jose del Monte City, samantala, ang suspek na si Joseph Emetrio, alyas Boy Tubo ay mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-4 ng hapon.

Ang biktima ay self-supporting student bilang nagtitinda ng tinapa at magtatapos ng high school sa darating na taon.

Sa ulat ni P/Supt. George Torcuator, hepe ng pulisya sa bayang ito, tinawag ng grupo ng suspek ang biktima at kumuha ng tindang tinapa upang ipulutan ngunit nang sinisingil na ito ay tumangging magbayad kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ALVIN LABAGALA

BRGY

CAVITE

CENTER

MASBATE

NUEVA ECIJA

ST. MARTIN HOSPITAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with