Grade 4 pupil minolestiya ng trike driver
() - September 22, 2002 - 12:00am
NAIC, Cavite Huli sa aktong nakapatong at walang damit ang isang tricycle driver ng ama ng isang grade 4 pupil makaraang umuwi ito galing sa trabaho, kahapon ng tanghali sa Brgy. Balsahan ng bayang ito.

Ang suspek na pinatira pa umano sa bahay ng biktima ay nakilalang si Alberto Caballero, 18 anyos, binata, tricycle driver, tubong Brgy. Pantihan I, Maragondon, Cavite

Samantalang ang biktima na itinago sa pangalang Rowela, 12 anyos, grade 4 at residente ng Sitio Lontok, Timalan ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Jesusa Perez, may hawak ng kaso dakong alas-12:25 ng tanghali ng maisipan umano ng ama ng biktima na si Jimmy na umuwi sa kanilang bahay upang kumain ng tanghalian.

Huli nito sa aktong nakahubad ang suspek at nakapatong sa kanyang anak na wala ring saplot sa katawan.

Agad na nagtungo ito kasama ang asawa sa himpilan ng pulisya upang magharap ng reklamo na agad namang ikinadakip ng suspek at kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya.

Nabatid sa biktima na siya umano ay pinaghihipuan sa maseselang parte ng katawan at nakatakda na itong gahasain ng suspek. (Ulat nina Mading Sarmiento at Cristina Go-Timbang)

ALBERTO CABALLERO BALSAHAN BRGY CAVITE CRISTINA GO-TIMBANG HULI JESUSA PEREZ MADING SARMIENTO PANTIHAN I SITIO LONTOK
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with