^

Probinsiya

3 kritikal sa pagsabog ng granada

-
Niyanig ng malakas na pagsabog ang isang waiting shed matapos hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng Muslim na nagresulta sa pagkasugat ng malubha ng tatlong sibilyan sa Marawi City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Acmad Panonto, Consna Panonto at Rundato Rambango na nagtamo ng mga shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente bandang alas-7:10 ng gabi habang naghihintay ng masasakyang pampasaherong dyip ang tatlong biktima sa waiting shed ng Marawi City police station sa kahabaan ng Perez Street.

Bigla na lamang dumaan ang dalawang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing inihagis ang granada sa nasabing waiting shed.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng paghahasik ng karahasan.

Posible umanong inatasan ang mga bandido na maghasik ng terorismo sa mga balwarte nilang lugar katulad ng lalawigan ng Lanao del Sur. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ACMAD PANONTO

BIGLA

CONSNA PANONTO

JOY CANTOS

KINILALA

LANAO

MARAWI CITY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PEREZ STREET

RUNDATO RAMBANGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with