^

Probinsiya

Dalaga ni-rape ng dating nobyo

-
ANGONO, Rizal — Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 18-anyos na dalaga upang ireklamo ang dating nobyo sa kasong rape na naganap kamakalawa sa bakanteng bahay sa Brgy. Bagong bayan sa bayang ito.

Ang biktima na itinago sa pangalang Susan ng Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Arthur Capistrano, 22, binata, taxi driver ng San Carlos Heights Subd., Brgy. Tayuman, Binangonan, Rizal.

Bago pa maganap ang krimen ay nakikipagbalikan ang suspek sa dalaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Manuel Pascual, inanyayahan ng suspek ang biktima sa bahay ng kaibigan upang dumalo ng party dakong alas-10 ng gabi.

Dahil sa nakulitan na ang biktima ay nagtiwalang pinaunlakan naman ang suspek upang matigil na sa pangungulit.

Dito na tinutukan ng patalim ng suspek ang biktima saka isinagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANGONO

ARTHUR CAPISTRANO

BINANGONAN

BRGY

DAHIL

DITO

JOY CANTOS

MANUEL PASCUAL

RIZAL

SAN CARLOS HEIGHTS SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with