^

Probinsiya

2 katao tinodas sa sabungan

-
TAYABAS, Quezon – Dalawa katao ang kumpirmadong pinatay makaraang saksakin habang naghihimas ng manok sa loob ng sabungan sa Brgy. Wakas sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Si Alfredo Jamias, 45, ay namatay kaagad habang si Fermin Miranda ay namatay sa Tayabas Community Hospital at kapwa residente ng Brgy. Pahinga, Candelaria, Quezon.

Samantala, ang suspek na pansamantalang hindi pa nakikilala ay sumakay sa kulay pulang kotse na walang plaka saka tumakas patungo sa direksyon ng Poblacion.

Sa imbestigasyon nina SPO4 Huerto at PO3 Labitigan, naganap ang krimen dakong alas-3 ng hapon habang naghihimas ang mga biktima ng kanilang manok sa loob ng Tayabas cockpit arena.

May palagay ang pulisya na kakilala ng mga biktima ang suspek at onsehan sa pustahan ang motibo ng krimen. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

vuukle comment

BRGY

CANDELARIA

CELINE TUTOR

DALAWA

FERMIN MIRANDA

HUERTO

QUEZON

SI ALFREDO JAMIAS

TAYABAS COMMUNITY HOSPITAL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with