Cavite solon pumanaw
August 8, 2002 | 12:00am
Nagmistulang sementeryo ang siyam na bayan sa ikatlong distrito ng Cavite matapos na pumanaw kahapon ang kanilang minamahal na solon dahil sa sakit na cancer.
Si Representative Napoleon "Poly" Beratio, 66, ng Cavite 3rd district ay sumakabilang buhay makaraan ang may ilang buwang pamamalagi sa Makati Medical Center dahil sa pancreatic cancer.
Labis din ikinalungkot ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi ang pagpanaw ng kanyang kumpare at kapartido sa "Partido Magdalo" dahil sa malaking kawalan sa ikatlong distrito ang pagkawala ni Congressman Beratio na magdaraos sana ng kaarawan sa darating na Agosto 15, 2002.
Bago maluklok si Beratio sa Kongreso na ngayon ay nasa ikatlong termino ay naging alkalde siya sa bayan ng Magallanes sa loob ng dalawampung taon at naging matapat sa kinaanibang "Partido Magdalo"
Kabilang sa 3rd district na sakop na bayang pinaglilingkuran ni Congrressman Beratio ay ang Silang, Tagaytay, Mendez, Indang, Alfonso, Amadeo, Maragondon, Magallanes, at General Aguinaldo.
Sinabi ni Governor Maliksi na susuportahan at ipagpapatuloy niya ang mga naiwang proyekto ni Congressman Beratio na pumanaw dakong alas-8 ng gabi kahapon at ibuburol sa Mt. Carmel, New Manila bago ilipat sa Kongreso at tuluyang iuwi sa kanilang bayan sa Magallanes, Cavite.(Ulat nina Cristina Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest