^

12-anyos pinilahan ng 5 estudyante

() - June 5, 2002 - 12:00am
NAIC, Cavite – Luhaang dumulog kahapon sa himpilan ng pulisya ang isang 12-anyos na babae matapos na pagsamantalahan ng apat na beses ng limang estudyante sa bakanteng kubo sa Brgy. Sasahan sa bayang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Grace ng Brgy. Bucana, samantala, dalawa sa limang suspek ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad.

Si Leyriel Bajande, 19 ay kasama ng dalawang menor-de-edad na ngayon ay nakakulong habang sina Edmund Mojica, 18 at Jay-Ar Quieztes, 18 ay kasalukuyang tinutugis ng pulisya.

Sa ulat ni PO1 Jesusa Perez, hinalay ang biktima noong Mayo 9 saka sinundan pa noong Mayo 11, 13 at 14, 2002 at dahil sa pinagbabantaan ang biktima ay hindi kaagad naipagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BRGY BUCANA CAVITE CRISTINA GO-TIMBANG EDMUND MOJICA JAY-AR QUIEZTES JESUSA PEREZ LUHAANG SASAHAN SI LEYRIEL BAJANDE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with