^

Probinsiya

30 PNP-SAF sinasanay ng Israeli commandos

-
OLONGAPO CITY — Umaabot sa tatlumpung miyembro ng 2nd Battalion PNP-Special Action Force ang kasalukuyang sinasanay na ng Israeli Commandos sa kampong nakabase sa Morong, Bataan noong Lunes.

Sa ginawang pahayag ni P/Sr. Supt. Glen Cinco, deputy commanding officer ng PNP-SAF 2nd Battalion, hinigpitan nila ang seguridad sa paligid ng Subic Bay Metropolitan Authority partikular na ang kampo ng PNP-SAF sa naturang lugar dahil sa isinasagawang pagsasanay ng apat na Israeli Commandos sa mga tauhan ng pulisya na may temang "counter terrorism".

Nauna rito ay palihim na dumating sa bansa ang apat na Israeli Commandos noong Linggo saka nagtuloy sa kampo ng PNP-SAF at magtatapos ang pagsasanay sa Mayo 30, 2002.

Hindi naman pinayagan ni Cinco ang mga mamamahayag na magkober ng naturang pagsasanay at sa halip ay pinagsabihang kumuha muna ng permiso sa Camp Crame upang makapasok sa nabanggit na kampo. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CAMP CRAME

CINCO

GLEN CINCO

ISRAELI COMMANDOS

JEFF TOMBADO

LINGGO

NAUNA

SPECIAL ACTION FORCE

SR. SUPT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with