^

Probinsiya

Tulak tiklo sa 1 kilong marijuana

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dinakip ng pulisya ang isang 29-anyos na pinaniniwalaang drug trafficker matapos na masabat ang isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana habang pababa ng pampasaherong bus sa Sitio Gulod, Barangay Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ang suspek na may ilang linggong minamatyagan ng mga operatiba ng Sta. Maria PNP ay nakilalang si Orlando Garcia, 29, may asawa ng nabanggit na barangay.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Melchor Reyes kay Bulacan PNP Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, nasakote ang suspek bandang alas-2 ng hapon matapos na sitahin ng mga alertong pulis sa checkpoint na may dalang bag na naglalaman ng epektos mula sa isang nagngangalang alyas Ferry ng Quezon City. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BULACAN

DIRECTOR P

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

MELCHOR REYES

ORLANDO GARCIA

QUEZON CITY

SITIO GULOD

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with