^

Probinsiya

3 bihag ng Sayyaf ipinasa sa ibang grupo

-
ZAMBOANGA CITY– Makaraan ang ilang buwang pagtatago sa mga tumutugis na tropa ng militar ay nagkasakit na si ASG Spokesman Abu Sabaya at ipinasa sa ibang grupo ng terorista ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham at nurse na si Deborah Yap sa kagubatan ng Basilan.

Ito ang nakalap na impormasyon ni Armed Forces Southern Command Chief Lt. Gen. Roy Cimatu subalit hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon.

Ayon sa Intelligence report, ang tatlong bihag ay hawak na ng isa pang grupo ng Sayyaf sa ilalim ni Commander Isnilon Hapilon na ngayon ay nasa bayan ng Maluso, Sampinit Complex.

Hindi ibinunyag ni Cimatu ang posisyon ng mga sundalo na tumutugis sa grupo ni Hapilon upang hindi maantala ang isinasagawang rescue operations.

Walang ibinigay na ulat sa kalagayan ng mag-asawang Kano maliban sa ginagamot ni Deborah Yap, nurse na kasamang binihag mula sa Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan.

Gayunman, siniguro ni Cimatu na ang pagdating ng mga sundalong Kano para sa training exercises ay hindi maapektuhan ang isinasagawang rescue operations sa mga bihag. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ARMED FORCES SOUTHERN COMMAND CHIEF LT

BASILAN

CIMATU

COMMANDER ISNILON HAPILON

DEBORAH YAP

GRACIA BURNHAM

JOSE TORRES MEMORIAL HOSPITAL

KANO

ROEL PARE

ROY CIMATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with