^

Probinsiya

Senglot na pulis binoga ng kabaro, todas

-
Dahil sa sobrang kalasingan ay nabaril at napatay ang isang pulis ng kanyang kabaro na nagtangkang awatin ng huli ang pagwawala ng biktima sa Rizal, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang pulis na napatay na si SPO1 Leonardo Asco, samantala, kaagad naman sumuko si SPO1 Fernando Simangan na kapwa nakatalaga sa Rizal Municipal police station kay Cagayan PNP Provincial Director P/Supt. Ricardo Padilla.

Base sa ulat mula sa Camp Crame, bandang alas-10 ng gabi habang nagbabantay si Simangan at dalawa pang pulis sa gate ng kanilang estasyon ay biglang dumating ang biktima na lango sa alak.

Pasigaw na kinalampag ng biktima ang gate ng naturang police station at nagpaputok pa ng baril sa ere habang naglalakad na pasuray-suray.

Napag-alaman pa na napilitang payapain ng suspek ang nagwawalang biktima ngunit tinutukan ito ng baril.

Bago pa maitutok ng biktima ang hawak na baril ay inunahan na ito ni Simangan na paputukan ng hawak na M16 rifle. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

DAHIL

FERNANDO SIMANGAN

JOY CANTOS

KINILALA

LEONARDO ASCO

PROVINCIAL DIRECTOR P

RICARDO PADILLA

RIZAL MUNICIPAL

SIMANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with