^

Probinsiya

3 miyembro ng 'Pansit Gang; nalambat

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlo sa pitong miyembro ng "Pansit Gang" ang naaresto matapos salakayin ng mga awtoridad ang kuta nito kamakalawa sa Brgy. Balian, Pangil ng nasabing lalawigan.

Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Wilmor Avenue, 19 ng nasabing barangay; Romy Suarez, 30, driver at Gilbert Flores, 45, karpintero pawang tubong Capiz.

Patuloy naman ang pagtugis sa apat pang miyembro na nakilalang sina Buboy Marcial; Levi Salazar at magkapatid na Romy at Roger Due.

Nasamsam ng mga awtoridad ang libu-libong kable ng kuryente ng Napocor na nakabase sa Sitio Pudadero, Brgy. Halay-halay, Siniloan at ang sasakyan na may plakang VBC-220 na gamit ng mga ito sa kanilang operasyon.

Napag-alaman na ang grupo ay responsable sa pagnanakaw ng 2000 kilo ng kable ng kuryente na nagkakahalaga ng milyong piso noong Nobyembre 14.

Hindi alam ng mga suspek na nakaabang ang mga awtoridad na nakakita sa pagpasok ng kanilang sasakyan na naglalaman ng mga kableng ninakaw.

Ang mga suspek na nakakulong sa Camp Crame ay nahaharap sa kasong RA 7832 o Anti-Pilferage Act. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ANTI-PILFERAGE ACT

BRGY

BUBOY MARCIAL

CAMP CRAME

ED AMOROSO

GILBERT FLORES

LEVI SALAZAR

PANSIT GANG

ROGER DUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with