^

Probinsiya

Supervisor na nanita sa mag-utol pinatay

-
CABANATUAN CITY – Isang farm supervisor ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng magkapatid makaraang sitahin na hindi nagtatrabaho ang mga ito sa loob ng Fernandez Poultry Farm sa Barangay Pangatian, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Laverne Manangbao, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktima na si Efren Bancaya, 36, ng Barangay Padolina, General Tinio, Nueva Ecija.

Samantala, ang mga suspek ay ang magkapatid na Noel at Dennis Pascual kapwa stay-in helper sa nasabing poultry farm.

Sa imbestigasyon, lumalabas na dakong ala-1 ng hapon ay pinagalitan ni Bancaya ang magkapatid nang maaktuhan nito na hindi nagtatrabaho ay naglalasing pa.

Minasama umano ng magkapatid ang pagsita sa kanila ni Bancaya kaya’t nagawang pagtulungang saksakin ng mga ito hanggang sa mapatay ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BANCAYA

BARANGAY PADOLINA

BARANGAY PANGATIAN

CABANATUAN CITY POLICE

CHRISTIAN RYAN STA

DENNIS PASCUAL

EFREN BANCAYA

FERNANDEZ POULTRY FARM

GENERAL TINIO

LAVERNE MANANGBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with