^

Probinsiya

2 mag-asawang pusher timbog sa drug bust

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dalawang mag-asawang ‘tulak’ na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ang nalambat ng mga tauhan ng Bulacan PNP sa isinagawang drug bust operation sa Malolos at Baliwag, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng drug pushers na mag-asawa na sina Theng Mukalam, 31 at asawang nitong si Sarah, 29 na kapwa residente ng Brgy. Culiat, Tandang Sora, Quezon City; ang mag-live-in na sina Teodoro Cruz, 35 at Marina Bernardo, 33 ng Brgy. Poblacion, Baliwag, Bulacan.

Sa isinumiteng ulat kay Bulacan PNP director P/Supt. Edgardo Acuña, nasakote ang mag-asawang Mukalam sa loob ng sikat na fast food chain sa Brgy. Ginhawa, Malolos, Bulacan dakong alas-10 ng umaga sa aktong nagbebenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Samantala, sina Teodoro at Marina naman ay nalambat sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Poblacion, Baliwag, Bulacan.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng shabu na ipinakakalat ng dalawang mag-asawang ‘drug pushers’ sa lalawigan ng Bulacan at karatig pook. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALIWAG

BRGY

BULACAN

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

MALOLOS

MARINA BERNARDO

QUEZON CITY

TANDANG SORA

TEODORO CRUZ

THENG MUKALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with