^

Probinsiya

Indian national pinatay muna bago sinunog

-
CAMP VICENTE LIM, LAGUNA – Isang Indian national ang nasawi matapos na sunugin sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Barangay Mataas, Boac, Marinduque, kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Sukhwinder Singh Puriwal, alyas Manny, 30, may-asawa at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Arlene Labatete, lumalabas na si Singh ay may saksak sa leeg at kanang balikat bago sinunog sa loob ng kanyang apartment upang itago ang karumal-dumal na krimen.

Ayon sa report ng pulisya, alas-11 ng gabi nang magkaroon ng sunog sa tinitirhang apartment ng biktima sa nasabing lugar at pagkatapos dito natagpuan ang bangkay ng biktima.

Nabatid sa pulisya na bago nangyari ang krimen, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang asawa kaya minabuti ng biktima na matulog na lamang sa loob ng kanyang kuarto at ilang sandali lamang ay nagliyab na ang kanilang bahay sanhi ng pagsabog ng LPG. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MATAAS

BOAC

DR. ARLENE LABATETE

ED AMOROSO

ISANG INDIAN

MARINDUQUE

NABATID

SUKHWINDER SINGH PURIWAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with