^

Probinsiya

3 kidnappers timbog

-
Bumagsak sa mga operatiba ng batas ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Manila based kidnap-for-ransom gang na nag-ooperate sa Cagayan Valley Region sa isinagawang magkakahiwalay na raid sa safehouse ng mga kidnappers sa bayan ng Solana at Tuguegarao City, ayon sa mga opisyal ng pulisya kahapon.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza sa mga mediamen ang mga naarestong suspect na kinilalang sina Fortunato Mangahas, Joel Balauitan at Rogelio Atienza.

Sinabi ni Mendoza na ang mga suspect ay pinaniniwalaang bahagi ng seven-man kidnapping syndicate na aktibong kumikilos sa Cagayan Valley Province.

Nabatid kay Mendoza na ang pinakahuling biktima ng grupo ay isang nakilalang Editha Chua, isang mayamang may-ari ng grocey store na kinidnap ng grupo at hiningan ng P10M ransom noong nakalipas na Agosto 12 sa Tuguegarao City.

Si Chua ay nailigtas ng nasabi ring petsa sa lalawigan ng Isabela ng mga nagrespondeng elemento ng Cagayan Provincial Police Office at ng Regional Intelligence and Investigation Division sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt. Jude Santos.

Sinabi naman ni Cagayan PNP Provincial Director P/Supt. Ricardo Padilla na ang pagkakalambat sa mga suspek ay bahagi ng pinaigting na malawakang surveillance operations ng kanyang mga tauhan sa itinuturong hideout ng mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CAGAYAN VALLEY PROVINCE

CAGAYAN VALLEY REGION

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

EDITHA CHUA

FORTUNATO MANGAHAS

JOEL BALAUITAN

JOY CANTOS

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with