^

Probinsiya

Hostage drama: Mag-lover kapwa patay

-
STA. ROSA, Nueva Ecija — Dahil sa matinding selos, isang lalaki ang nagpakamatay matapos na mapatay ang kanyang live-in partner sa isang hostage-drama na naganap sa kusina ng kanilang bahay sa Brgy. San Josef ng bayang ito, kahapon.

Sa ulat ni Supt. Eduardo Soriano, hepe ng Sta. Rosa Police Station, nakilala ang nasawing mag-live-in na sina Renato Francisco y Santiago, 34; at Lea Cardel y Abadisena, 30, isa umanong Japayuki, at kapwa nakatira sa naturang lugar.

Natagpuan ng pulisya na magkatabi ang bangkay ng dalawa sa sahig ng kanilang kusina. Si Lea ay may tama ng saksak sa kanyang katawan habang si Renato ay may nakataling kalahating metrong electrical cord sa leeg nito.

Napag-alaman na may matinding selos na tinitimpi si Renato sa kanyang live-in na katatapos pa lamang ng kontrata sa Japan nang gawing hostage nito ang huli sa kanilang bahay na humantong sa kanilang pagkamatay.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang hostage-drama dakong alas-3 ng hapon makaraang magtalo ang dalawa dahil umano sa tsismis na may ibang lalaki si Lea sa Japan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ABADISENA

CHRISTIAN RYAN STA

EDUARDO SORIANO

LEA CARDEL

NUEVA ECIJA

RENATO

RENATO FRANCISCO

ROSA POLICE STATION

SAN JOSEF

SI LEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with