^

Probinsiya

Utol ng radio broadcaster niratrat ng NPA

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang lalaki na kapatid ng isang radio broadcaster habang ang biktima ay naghahapunan kasama ang pamilya sa sariling bahay sa Brgy. San Juan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Carlos Galang, 50, may asawa na umano’y kapatid ni Gene Panganiban ng DZRB (Radyo ng Bayan).

Lumalabas sa ulat ng pulisya, biglang pumasok ang mga hindi kilalang lalaki sa bahay ng biktima bandang alas-8 ng gabi saka nagtungo sa kinaroroonan ng biktima at sunod-sunod na pinaputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BAYAN

BINISTAY

BRGY

BULACAN

CARLOS GALANG

EFREN ALCANTARA

GENE PANGANIBAN

KINILALA

LUMALABAS

NEW PEOPLE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with