^

Probinsiya

4 todas sa anti-terror operations sa BARMM!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 todas sa anti-terror operations sa BARMM!
Sa pahayag ng Army’s 6th Infantry Division, mga lokal na opisyal, lider ng mga Moro at Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region (PRO-BAR) ang bakbakan ay naganap sa liblib na lugar sa Brgy. Manaulanan, Tugunan.
FIle

MANILA, Philippines — Apat na pinaghihina­laang miyembro ng mga ektremistang grupo na may ugnayan sa nalansag na Dawlah Islamiyah (DI) terrorist ang napaslang sa isinagawang anti-terror operations ng pinagsanib na elemento ng tropa ng mga sundalo at pulisya sa Brgy. Manaulanan, Tugunan, Bangsamoro Special Geographic Area nitong Sabado ng umaga.

Sa pahayag ng Army’s 6th Infantry Division, mga lokal na opisyal, lider ng mga Moro at Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region (PRO-BAR) ang bakbakan ay naganap sa liblib na lugar sa Brgy. Manaulanan, Tugunan.

Ayon sa ulat, nag­responde sa lugar ang mga sundalo at pulis matapos namang makatanggap ng impormasyon sa mga residente hinggil sa armadong presensya ng lawless groups na puwer­sahang nangingikil ng ‘protection money’ sa mga magsasaka ng palay.

Gayunman, papasok pa lamang sa lugar ang mga awtoridad nang paulanan sila ng bala ng mga armadong kalalakihan kaya nauwi sa engkuwentro.

Sa kasagsagan ng putukan, napaslang ang apat sa terorista na inabandona ng mga nagsitakas na mga kasamahan.

Nagpaulan din bala sa isinagawang air strike ang helicopter ng Philippine Air Force gamit ang mga machinegun laban sa tumatakas na mga kalaban bunsod upang maghiwa-hiwalay ang mga ito ng direksiyon sa pagtakas at abandonahin ang mga napatay na kasamahan.

Ang Tugunan ay kabilang sa 8 bayan sa Bangsamoro Special Geographic sa ilalim ng Regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) pero nasa loob ng teritoryo ng lalawigan ng Cotabato sa Region XII.

Inihayag ni Tugunan Mayor Abdulbayan Abas, chairperson ng Multi-sector Municipal Peace and Order Council sa radio report na ang anti-terror operations sa Brgy. Manaulanan na inilunsad ng Army’s 40th Infantry Battalion ng Army’s 602nd Infantry Brigade sa ilalim ng Army’s 6th ID at mga unitos ng PRP-BAR ay isang lehitimong law enforcement operations upang linisin ang lugar laban sa lawless groups.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with