^

Probinsiya

Police official patay sa car mishap

-
Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang opisyal ng pulisya makaraang aksidenteng sumalpok ang sasakyan nito sa street marker sa kahabaan ng Brgy. Poblacion 1, Pura, Tarlac, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si SPO4 Avelino de la Cruz, 45, Deputy Chief of Police sa bayan ng Pura matapos na magtamo ng malubhang sugat sa naganap na aksidente.

Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO)) 3 sa Camp Crame, bandang alas-11:45 ng umaga habang binabagtas ng biktima lulan ng kanyang Anfra jeep na may plakang UJY-970 ang kahabaan ng Pura-Gerona Road ng Brgy. Poblacion 1, nang maganap ang insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lang ng opisyal na mag-ehersisyo sa Isidro Sports Complex kaugnay ng ipinatutupad na Physical Fitness Test Program ng PNP at pauwi na ito sa kanyang tahanan nang magloko ang sasakyan.

Sa bilis umano ng takbo ng sasakyan ay makailang ulit itong sumalpok sa street marker at tumaob kasama ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANFRA

BRGY

CAMP CRAME

DEPUTY CHIEF OF POLICE

ISIDRO SPORTS COMPLEX

JOY CANTOS

PHYSICAL FITNESS TEST PROGRAM

POLICE REGIONAL OFFICE

PURA

PURA-GERONA ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with