^

Probinsiya

Karambola ng 3 sasakyan: trader patay, 2 grabe

-
IMUS, Cavite – Isang negosyanteng lalaki ang iniulat na nasawi habang dalawa pang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Anabu-2 A ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang namatay na si Henry Salazar ng Brgy. Sabang, Dasmariñas, Cavite habang ang dalawang malubhang nasugatan na ngayon ay nasa University Medical Center ay kinilalang sina Rogelio Rivera at Rosalito Quiap na kapwa residente ng Imus ng naturang lugar.

Sa ulat ni P/Supt. Alberto Capua, hepe ng pulisya sa bayang ito na ang aksidente ay naganap dakong alas-11:00 ng gabi nang salpukin ng owner type jeep na may plakang OKY-599 ni Rivera ang kotse ni Salazar na may plakang PES-364 patungong Tagaytay City sa kahabaan ng nasabing highway.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Teddy Maliban, may hawak ng kaso, matapos na salpukin ang sasakyan ng nasawing biktima, ito ay sumalpok naman sa isang AUV na may plakang CEW-348.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa minamanehong kotse ng biktimang nasawi ay sumalpok naman ito sa isa pang sasakyan.

Kasunod nito ay tumilapon din papalabas ng jeep ang dalawang malubhang nasugatan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kapwa lango sa alak sina Rivera na nagmamaneho ng jeep at Quiap ng maganap ang aksidente. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ALBERTO CAPUA

BARANGAY ANABU

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

HENRY SALAZAR

MADING SARMIENTO

RIVERA

ROGELIO RIVERA

ROSALITO QUIAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with