^

Probinsiya

Supporter ng mayoralty bet nilikida

-
CLAVERIA, Masbate – Gantihan na lamang ang maaaring maganap matapos na ang isang masigasig na supporter ng isang kandidatong mayor ang pinagbabaril hanggang sa masawi habang ito ay nangangampanya sa Barangay Pasig sa bayan na ito, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Meliton Dumdum, 34, binata, masigasig na supporter ni Mayoralty candidate Luis Lim.

Nakilala ang mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente na sina Buen Albao, Solomon Santillan, Bibot Masucal at Loloy Genita, pawang mga residente sa naturang lugar at mga supporter naman ng kalaban ni Lim.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ang insidente ay naganap dakong ala-1:40 ng hapon habang ang biktima ay nangangampanya sa naturang lugar nang pagbabarilin ng apat na suspect.

Napag-alaman na habang ang biktima ay lumilibot sa naturang barangay at nangangampanya ng bigla na lamang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo at katawan.

Isang hot pursuit operation ang isinasagawa ng mga awtoridad upang tugisin ang mga suspect. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY PASIG

BATAY

BIBOT MASUCAL

BUEN ALBAO

ED CASULLA

LOLOY GENITA

LUIS LIM

MELITON DUMDUM

NAKILALA

SOLOMON SANTILLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with