^

Probinsiya

Mister binoga dahil sa kantang "My Way"

-
DEL GALLEGO, Camamrines Sur – Anong hiwaga ba ang bumabalot sa awiting "My Way" at marami ang nagbubuwis nang buhay dito, kahit saan, sa videoke bar man o sa mga kasayahan?

Isa na namang mister ang nasa bingit ng kamatayan matapos na ito ay pagbabarilin habang madamdamin niyang kinakanta ang awiting "My Way" sa loob ng isang videoke bar sa Barangay Sinuknipan sa bayan na ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na ginagamot ngayon sa Magsaysay Memorial Hospital ay nakilalang si Sotero Javier, magsasaka at residente ng Barangay Mabini ng nabanggit na bayan.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng gabi habang ang biktima ay kumakanta sa loob ng isang videoke bar nang ang isang hindi nakikilalang suspect na umiinom sa katabi nitong lamesa ay biglang tumayo at nagbunot ng baril.

Bahagya nitong nilapitan ang biktima na palahaw pa sa pagkanta at pagkatapos ay walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng cal. .45 sa katawan ang biktima at ngayon ay nasa malubhang kalagayan.

Matapos naman ang ginawang pamamaril ng suspect ay mabilis na itong tumakas dala ang ginamit na baril.

Nabatid na naunang pumasok sa naturang bar ang suspect bago pa ang biktima at nang marinig nito ang kinanta ng huli na "My Way" ay parang nagalit ito at namaril.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANONG

BAHAGYA

BARANGAY MABINI

BARANGAY SINUKNIPAN

BATAY

CAMAMRINES SUR

ED CASULLA

MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

MY WAY

SOTERO JAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with