^

Probinsiya

9 na kalansay ng MILF rebels nahukay

-
COTABATO CITY – Nahukay kamakalawa ng mga tauhan ng militar sa Matanog, Maguindanao ang siyam na kalansay na pinaniniwalaang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nilikida ng kanilang mga kasamahan makaraang pagdudahan ang mga ito na naging espiya ng militar sa naganap sa madugong engkuwentro sa Secretary Narciso Ramos Highway noong nakalipas na taon.

Ayon kay Capt. Ricardo Ellorda, deputy civil-military relations officer ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na ang labi ng pinaslang na mga guerillas ay aksidenteng natagpuan ng mga tauhan ng militar na nakabaon sa mababaw na hukay sa Barangay Langkong, Matanog.

Binanggit pa ng ilang village officials sa Matanog na posibleng ang siyam na kalansay ng MILF rebels ay kabilang sa 36 MILF guerillas na nilikida ng kanilang mga kasamahan sa hinalang ang mga ito ay espiya ng militar.

Gayunman, may hinala rin ang militar na posibleng ang mga ito ay yaong nasawi sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan makaraang ilunsad ang opensiba laban sa naturang grupo noong nakalipas na taon na naging daan sa pagkabawi sa mga pangunahing kampo ng mga rebelde kabilang ang Camp Abubakar. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AYON

BARANGAY LANGKONG

CAMP ABUBAKAR

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MATANOG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RICARDO ELLORDA

SECRETARY NARCISO RAMOS HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with