^

Police Metro

PNP system vs abusadong mga pulis, nirepaso

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang isang apurahang pagrepaso sa internal early warning at disciplinary systems nito.

Ang hakbang ay bunsod nang magkakahiwalay na reklamo ng pang-aabuso ng mga pulis laban sa mga kababaihan na naiulat kamakailan.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layon ng pagsusuring ito na patatagin ang mga mekanismo ng kapulisan upang mas maagang matukoy at maagapan ang anumang senyales ng pag-abuso sa loob ng kanilang hanay.

Kasabay nito, mariing binalaan ng PNP ang mga tauhan na hindi nito kinukunsinti ang karahasan at tiyak na kahaharapin ng mga mapatutunayang nagkasala ang buong bigat ng batas at kaukulang parusa.

Nag-ugat ang kautusan sa reklamong inihain ng isang guro mula sa Mindanao sa National Police Commission (Napolcom) noong Oktubre 27 laban sa kanyang kinakasamang police corporal na umano’y paulit-ulit siyang inabuso sa loob nang halos siyam na taon.

Noong Oktubre 22, nagsampa rin ng reklamong administratibo ang isa pang babae laban sa kanyang kinakasamang police staff sergeant dahil sa umano’y pisikal, emosyonal, at mental na pang-aabuso.

Ayon kay Nartatez, sisiguraduhin ng PNP na maayos na iimbestigahan ang mga alegasyon at papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang mapatunayang may pananagutan. 

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with