^

Police Metro

Malacañang: Relasyong PH-China, solid pa rin

Malou Escudero - Pang-masa
Malacañang: Relasyong PH-China, solid pa rin
President Marcos accepts the credentials of Chinese Ambassador Jing Quan at Malacañang last December. Looking on is Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nananatiling buo ang relasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng palitan ng maanghang na palitan ng mga salita ng Chinese Ambassador to the Philippines at ng ilang mambabatas.

Ito ang tiniyak ni Malacañang na Palace Press Officer Atty. Claire Castro at nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumanda ang relasyon ng gobyerno sa China kahit may mga palaban na pahayag ng Chinese Ambassador to the Philippines.

Inihayag naman ng Chinese embassy sa Maynila na kasalukuyan ay nasa “extremely sensitive stage” ang relasyon ng dalawang bansa.

Bukas din ang Chinese Embassy sa paghaharap ng personal nina Marcos at Ambassador Jing Quan upang mapag-usapan kung papaano maiiwasan ang ginagawa umano ng ilang indibidwal na paglalagay ng relasyon ng dalawang bansa sa “dangerous situation.”

Nauna nang inihayag ng Malaca?ng na kakausapin ng Pangulo ang Chinese envoy sa diplomatikong pamamaraan para hindi masira ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon pa kay Castro, na iba ang relasyon ng Pilipinas sa China pagdating sa kalakalan at pamumuhunan at iba rin ang usapin patungkol sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa at interes sa West Philippine Sea.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with