^

Police Metro

P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo na

Ludy Bermudo - Pang-masa
P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo na
Ayon sa DOLE, lahat ng employer sa NCR ay kailangang sumunod sa Wage Order No. NCR-28 na magkakabisa sa Sabado.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Simula kahapon, Set­yembre 26, umpisa nang tatanggap ng P60 dagdag sa arawang sahod ang mga minimum wage earners sa Metro Manila o National Capital Region (NCR), sa ilalim ng bagong wage order na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, lahat ng employer sa NCR ay kailangang sumunod sa Wage Order No. NCR-28 na magkakabisa sa Sabado.

Sa ilalim ng kautusan, tataas ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector mula P695 patungong P755.

Para naman sa agricultural workers, tataas ito mula P658 patungong P718 kada araw.

Saklaw din ng P60 na dagdag ang mga manggagawa sa service at retail establishments na may 15 pababa ang empleyado, at manufacturing establishments na may mas mababa sa 10 regular na manggagawa.

Inilabas ang Wage Order No. NCR-28 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board - NCR matapos ang konsultasyon sa pagitan ng labor, employers, at ­gobyerno habang nakabinbin pa sa korte ang naunang Wage Order NCR-27 na nagtatakda ng P85 dagdag na sahod.

Sa bisa ng NCR-28, ang minimum wage sa NCR ay P755 kada araw para sa non-agricultural workers at P718 para sa agricultural workers.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with