^

Police Metro

Palasyo pabor sa WFH

Gemma Garcia - Pang-masa
Palasyo pabor sa WFH
Stock image of an employee working remotely.
Charles Deluvio via Unsplash / Stock

MANILA, Philippines — Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa suhes­tyon na work from home (WFH) arrangements habang patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Subalit ayon kay ­Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ang desisyon ng WFH ay nakasalalay pa rin sa mga pribadong kumpanya.

Naniniwala aniya ang gobyerno na ang WFH arrangements ay makatutulong para maibsan ang fuel consumption at ang pasanin ng mga manggagawa.

“Kung iyan ang magi­ging panukala ng mga private business companies, makakatulong na malaki yan. Pero syempre hindi naman didiktahan ng ­pangulo ang mga pri­badong kum­panya,” ani Castro.

Giit ni Castro, malaya naman ang mga negos­yo na magdesisyon sa work arrangements at ang pinakamainam para sa kanilang operasyon kabilang dito ay ang hybrid o fully remote setups.

“Kung nakikita nila na ito’y makakabuti sa ating bayan, para sa interes ng ating mga kababayan para makatipid rin sa fuel o sa produktong petrolyo, maganda ‘yang suggestion,” pahayag pa ni Castro.

Isinusulong ng ilang labor groups ang flexible work schemes, kabilang dito ang WFH para maka­tulong sa mga empleyado na mabawasan ang gastos sa transportasyon sa gitna ng patuloy na oil price hike dulot pa rin ng tensyon sa Middle East.

WFH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with