^

Police Metro

Sen. Chiz, nanguna sa pagpapatalsik kay Zubiri

Malou Escudero - Pang-masa
Sen. Chiz, nanguna sa pagpapatalsik kay Zubiri
Senator Chiz Escudero takes oath as new Senate President, May 20, 2024.

MANILA, Philippines — Inamin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na siya ang nagsimula at kumausap sa mga kasamahang senador upang mapalitan sa puwesto si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Bagaman at hindi na inilabas sa plenaryo maging sa publiko ang resolusyon na nagpatalsik kay Zubiri, inamin ni Escudero na siya ang unang pumirma rito.

“Ako (ang unang pumirma). Kayo naman kasi ang nakikita niyo yung resolution kasi yung isa lang pahina, pwede namang hiwa-hiwalay yun.So walang una, walang pangalawa,” ani Escudero.

Nauna rito, sinabi kamakalawa ni Zubiri na noong nakaraang Miyerkules (Mayo 15) niya nalaman na may mga senador na kumikilos upang mapatalsik siya sa puwesto.

Pero sinabi ni Escudero na hindi niya alam kung sino ang nagsabi kay Zubiri noong Miyerkules dahil noong Huwebes lamang siya nagsimulang mangausap ng mga kasamahang senador.

Kinumpirma rin ni Escudero na 15 senador ang pumirma sa resolusyon tungkol sa pagpapalit ng liderato kasama si Senator Ro­nald “Bato” Dela Rosa.

vuukle comment

FRANCIS ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with