^

Police Metro

Liderato ni Escudero, suportado ni Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyang prayoridad ni bagong Senate President Francis. “Chiz” Escudero ang mga panukalang batas na magsusulong ng Bagong Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Pangulong Marcos, matapos na palitan ni Escudero si dating Senate President Juan Miguel Zubiri na nagbitiw sa pwesto nitong Lunes.

Iginiit ng pangulo na suportado niya ang liderato ni Escudero, dahil hindi maikakaila na kahanga-hanga ang legislative record ng Senador.

Dahil dito, kaya tiwala aniya ang pangulo na sa ilalim ng liderato ni Zubiri ay ipagpapatuloy ng senado ang mga panukalang batas para makamit ang vision  para sa Bagong Pilipinas.

Dahil sa pagbabago ng liderato ay nagkaroon din ng rigodon sa Senado kung saan nahalal sa bagong pwesto sina Senador Jinggoy Estrada bilang Senate  Pro Tempore habang si  Senador Francis Tolentino ay nahalal bilang bagong Senate Majority Leader habang si Senador  Alan Peter Cayetano, ang magsisilbing bagong chairman Senate committee on Accounts.

vuukle comment

FRANCIS ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with