Babae pinatay, isinilid sa ice box ng kapitbahay
Naningil ng pautang
MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na babae ang pinatay ng kanyang kapitbahay nang ito ay magalit sa paniningil ng kanyang utang na kung saan ang bangkay ay isinilid sa ice box,naganap kamakalawa sa Golden Horizon Villas, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mari Joy Singayan, 26, residente ng nasabing subdivision.Habang tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na Wilson, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.
Ayon ulat, alas-9:15 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakasiksik sa isang ice box sa bahay ng suspek sa Blk. 105, Lot 20-22 ng nasabing subdivision.
Ayon sa pulisya, bago nangyari ang krimen ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin umano ito ng utang na nagkakahalaga ng P50,000.
Wala umanong maibayad ang suspek na ikinagalit umano ng biktima hanggang nagkaroon sila ng palitan nang maaanghang na salita.
Dito ay napikon ang suspek kaya’t hinila nito papasok sa kanyang bahay ang biktima at sinakal hanggang kumuha ng lubid at bigtihin.
Nang mapatay nito ang biktima ay isiniksik ito sa kanilang ice cooler at pagkatapos tumakas.
Ang misis ng suspek ang nagreport sa kanilang barangay nang aminin ng kanyang mister ang krimen at itinuro na ang bangkay ng biktima ay inilagay sa kanilang ice box.
- Latest