^

Police Metro

Pader gumuho sa Makati: Architect patay, 2 pa sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang arkitekto ang patay habang dalawa niyang trabahador ang sugatan nang gumuho ang kon­kretong pader ng itinatayong bahay sa Makati City nitong Biyernes ng hapon.

Dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktima na kinilala lang sa Architect “Adrian”, 44-anyos, ng Bacoor City, Cavite habang isinugod sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang isa sa dalawang obrero nito na tinukoy sa alyas “Luis” 55, dahil sa tinamong head injury habang ang isa na nagtamo ng minor injury sa ulo ay tumangging magpagamot sa ospital.

Nabatid sa ulat na ­ipinadala sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Mark Pespes , habang ang biktimang si Adrian ay nakaupo sa monobloc chair malapit sa firewall ng under-construction na bahay na matatagpuan sa kanto ng Colmena at Trabajo Streets, Brgy. Olympia, isang malakas na hangin ang tumama sa konkretong firewall bandang alas-5:46 ng hapon at biglang bu­magsak at tumama sa ulo ng biktima habang ang dalawa pang obrero na naghuhukay ng lupa ay tinamaan naman ng mga debris.

Nabatid na ang itatayong bahay ay 2-palapag na kapalit ng ginibang bahay na noong 1990 pa itinayo. Ang firewall naman mula sa lumang bahay ay sinasabing hindi giniba na posibleng naging mahina na ang pundasyon.

Sinabi ng mga opisyal ng barangay sa lugar na nakakuha ang may-ari ng mga kinakailangang dokumento para gibain ang bahay at pinahintulutan na magtayo ng isa pa ngunit napansin ng Engineering Office ng Makati City Hall ang kawalan ng mga hakbang sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa, kabilang ang pagsusuot ng safety helmet na maaaring maging batayan para managot ang kontratista.

Iniutos na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang pansamantalang pagpapahinto sa pagtatayo ng dalawang palapag na bahay hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with