^

Police Metro

Pagkakaisa, pagsasama-sama, mensahe sa BPSF sa Sultan Kudarat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mensahe nang pagkakaisa at pagsasama-sama hindi lamang para sa Mindanao kundi para sa buong bansa ang dala ng ‘Pagkakaisa concert’ ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Sultan Kudarat na dinaluhan ng halos 100,000 manonood.

Ito ang sinabi ni ­Spea­ker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa mga nagtaguyod ng BPSF, pinalitan ng Pagkakaisa Concert ang nakagawiang “Pasasalamat Concert” upang mabigyan-diin ang pagkakaisa ng mga taga-Mindanao laban sa panukala na ihiwalay ito sa Pilipinas.

“Nakakatuwa ang nakita nating pagkakaisa dito sa Sultan Kudarat. May 45 tayong kasama sa Kamara na nakadalo, lagpas 150,000 beneficiaries ang ating nabigyan ng ayuda at serbisyo, at libo-libo ang umattend at nakiisa sa ating Pagkakaisa Concert,” ani Speaker Romualdez.

Anya, ito na ang pinakamalaking Serbisyo Caravan kaya sa panig ng mga organizers ay  umaapaw ang pasasalamat sa lahat ng nakilahok at tumulong sa BPSF na ito.

Higit sa P1.2 bilyong halaga ng tulong pinansyal at serbisyo na hatid ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang dinala sa Sultan Kudarat sa ilalim ng BPSF.

Nasa 50 miyembro ng Kamara, karamihan ay taga-Mindanao ang dumalo sa naturang event. Bukod pa ito sa pamamahagi ng bigas at cash assistance sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) Prog­ram at Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) para sa Kabataan.

vuukle comment

SULTAN KUDARAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with