^

Police Metro

Ina na pinapa-rape ang anak sa live-in partner, timbog

Joy Cantos, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang ginang na tinaguriang number 1 most wanted person (MWP) sa buong rehiyon 2 (Cagayan Valley) nang makailang-ulit nitong ipagahasa ang sariling menor-de-edad na anak sa kanyang kinakasamang lalaki sa Cauayan City, Isabela.

Ang suspect na itinago sa pangalang Melody, 32-anyos ay naaresto kamakalawa sa bahagi ng Purok 7, Barangay Alinam, Cauayan City sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Mary Jane Socan Soriano, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Cauyan City sa kasong 9-counts ng rape na walang inirekomendang piyansa.

Ang live-in partner naman ng ginang na si alias “Bruno” ay una nang nasakote noong Disyembre sa nasabi ring kaso ng panggagahasa.

Base sa testimonya ng biktimang si Myra, ‘di tunay na pangalan sini­mulan siyang halayin ng kaniyang amain simula noong 2022 at naulit ito ng 9 na beses nito namang 2023.

Ayon sa dalagita, dinala umano siya mismo ng kaniyang ina at ng live-in partner ng huli sa isang hotel sa kanilang lugar kung saan una siyang hinalay ng amain.

Ang insidente ay nasundan pa sa tulong ng walang puso niyang ina na tumulong pa para siya mapariwara sa kamay ng buhong na suspect.

vuukle comment

MWP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with