^

Police Metro

3-araw transport strike, kasado na!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
3-araw transport strike, kasado na!
Sa media forum sa Quezon City, sinabi ni PISTON Deputy Sec. General Ruben Baylon na sisimulan ang kanilang transport stike sa Lunes, Abril 29 at tatagal ito hanggang sa Araw ng Paggawa (Labor Day) sa Mayo 1, 2024.
STAR/File

Sa Abril 29 hanggang Mayo 1

MANILA, Philippines — Kasado na ang muling paglulunsad na nationwide transport strike ng grupong PISTON sa susunod na linggo bilang protesta sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Ito ay kaugnay sa pagtatapos ng Abril 30 deadline para sa konsolidasyon ng prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney na nais na ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan na burahin sa lansangan.

Sa media forum sa Quezon City, sinabi ni PISTON Deputy Sec. General Ruben Baylon na sisimulan ang kanilang transport stike sa Lunes, Abril 29 at tatagal ito hanggang sa Araw ng Paggawa (Labor Day) sa Mayo 1, 2024.

Ayon kay Baylon, ang kanilang mga miyembro sa buong bansa ay makikiisa sa kilos-protesta sa paggunita ng Labor Day.

“Ipaglaban natin ang ating mga kabuhayan sa sektor ng transportasyon,” pahayag ni Baylon kasabay ng paghikayat sa mga kasamahan na makiisa sa tigil-pasada.

Ayon kay Baylon, magma-mass up o magtitipon sila sa mga lugar sa Metro Manila sa isasagawang protesta partikular sa area ng Taft Avenue at mga pangunahing lansangan sa Alabang, Baclaran, Sucat, Monumento, Litex, Anonas, Katipunan at Philcoa.

Samantala, maging ang grupong Manibela ay plano na ring maglunsad ng strike pero ang chairman nito na si Mar Valbuena ay makikipag-ugnayan pa sa PISTON kaugnay sa nasabing pagkilos.

 Magugunita na sa mga nakalipas na transport strike bilang protesta sa phaseout ng tradisyunal jeepney, ang grupo ng Manibela ang bumandera sa lansagan upang tutulan ito sanhi upang kasuhan ang grupo ng Quezon City Police District dahil sa abala at perswisyong idinulot sa mga commuters.

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with