^

Police Metro

Nanay ng beauty queen, dinakip sa carnapping

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng pulisya ang ina ng beauty queen na si Maggie Wilson dahil sa kasong carnapping sa Taguig City kahapon.

Sa impormasyon mula sa PNP Public Information­ Office, inaresto ang 64-taong gulang na ina ni Wilson, alas-9:55 ng umaga sa Brgy. Ususan.

Ayon kay PNP PIO chief, PCol Jean Fajardo, inihain ng mga tauhan ng Taguig City Police ang warrant of arrest sa suspek dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10883, o ang New Anti-Carnapping Act.

Inilabas ang warrant ni Judge Antonio Olivete ng Taguig Regional Trial Court Branch 267.

Inihayag rin ni Wilson sa kaniyang social media account ang pag-aresto sa kaniyang ina. Ipinagtataka niya kung paano nadawit ang kaniyang ina sa carnapping gayung hindi umano ito marunong magmaneho at walang driver’s license.

May nakalaan na P300,000 halaga ng piyansa ang korte sa kaso ngunit hindi pa tiyak kung nakapaghain na ang suspek.

vuukle comment

MAGGIE WILSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with