^

Police Metro

2 taxi driver tiklo sa pagnanakaw sa mga pasaherong dayuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa bagsak sa ku­lungan ang dalawang taxi driver na umano’y ninakawan ang mga pasahero nilang banyaga matapos maaresto sa sumbong ng isang Chinese national na tinangayan ng cellphone, sa Makati City, kamakalawa.

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Perez, 44; at Miguelito Llanera, 37.

Ayon sa ulat ng Makati City Police Station-Bangkal Substation, sangkot umano sa serye ng pagnanakaw ang dalawa na ang target ay mga foreign nationals.

Sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw ng Hulyo 26, 2023 sa Boni St. Mandalu­yong City nang maaresto sina Perez at Llanera matapos positibong ituro ng 37-anyos na Chinese national na tinangayan ng iPhone.

Ayon sa biktima, alas-10:00 ng gabi nang sumakay siya sa taxi mula sa kaniyang tinutuluyan sa Valero St., at nagpapahatid sa Three Central sa Brgy. Bel-Air, Makati City.

Nang makarating uma­no sa intersection ng Osmeña Highway Southbound kanto ng Mascardo St., Brgy. Bangkal, ay tinangay ang kaniyang iPhone 12 Pro Max.

vuukle comment

PAGNANAKAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with