29% ng Pinoy gumanda ang buhay — SWS
MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey ay may 29 percent ng mga Pinoy adult ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang buhay sa ngayon kumpara sa nagdaang taon.
Gayunman, may 25 percent naman ang nagsabing ang kalidad ng kanilang buhay ay lumala habang 46 percent ng mga Pinoy ang nagsabing walang nagbago sa kalidad ng kanilang buhay.
Ang survey ay ginawa ng SWS noong March 26 hanggang March 29, 2023.
Ayon sa SWS, ang March 2023 survey ay nagresulta ng net gainers score na high +5 na mababa naman ng tatlong puntos sa high +8 noong December 2022. Mas mababa naman ito ng 13 points sa pre-pandemic level na very high +18 noong December 2019.
Kung ikukumpara sa December 2022, ang net gainers ay bumaba mula sa “very high” na naging “high” sa Metro Manila mula +18 sa +2. Sa Mindanao, ang net gainers ay bumaba mula +10 ay naging +6. Bumaba rin ito mula “fair” sa “mediocre” sa Visayas na mula -4 ay naging -14.
Nanatili namang “very high” sa Balance Luzon o mataas ng 2 points mula +10 ay naging +12. Ang net gainers ay tumaas din mula “very high” na naging “excellent” sa mga college graduates na mula +18 noong December 2022 ay naging +20 nitong March 2023.
Mula “fair” ay naging “high” naman ang net gainers sa elementary graduates na mula net zero ay naging +1, pero bumaba mula “very high” na naging “high” na lamang sa junior high school graduates mula +13 ay naging +7.
Nanatili namang “fair” ang net gainers sa non-elementary graduates kahit na bumaba ng may 3 points na mula -2 ay naging -5.
- Latest