^

Police Metro

Arabic at Islam studies isinusulong sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Arabic at Islam studies isinusulong sa Senado
Daan-daang miyembro mula sa iba’t ibang Muslim communities sa Maharlika Village ang taimtim na nag-alay ng kanilang Eid Salah o feast prayer bilang bahagi ng selebrasyon ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan sa harap ng Blue Mosque sa Taguig City, kahapon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr bilang pagtatapos ng Ramadan, patuloy na isinusulong ni Senador Win Gatchalian na gawing institutionalized at patatagin ang Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Program sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng Senate Bill No. 382 o ng Arabic Language and Islamic Values Education Act, isinusulong ni Gatcha­lian ang pagpapatatag, pagrespeto, at pagpapanatili sa pagkakakilanlan, kultura, at mga tradisyon ng mga Pilipinong Muslim. Layunin nito na tiyakin ang kontribusyon ng mga Pilipinong Muslim sa mga adhikain ng bansa at kilalanin sila bilang mga katuwang sa pagpapatatag ng bansa.

 Magiging saklaw ng ALIVE Program ang probisyon ng mga pasilidad, school furniture, equipment, angkop na textbooks at instructional materials, at technical at financial educational assistance sa mga accredited o recognized private madaris ng Department of Education (DepEd).  

Ang madaris ay mga privately-operated at community-based na mga paaralan na nakatutok sa Arabic literacy at Islamic studies.

 Saklaw din ng ALIVE Program ang training o capacity-building ng mga asaditz, kabilang ang mga trainers, supervisors, at mga administrator. Batay sa tradisyon at kasaysayan, ang mga asatidz ay mga guro sa karamihan ng mga Muslim Filipino communities.

 Sa ilalim ng panukala, maaaring mag-aral ng Arabic Language o Islamic Values Education ang parehong Muslim at non-Muslim na mga mag-aaral kung may nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o guardian.

 Saklaw ng panukala ang parehong pampublikong paaralan, mga pribadong madaris sa labas ng BARMM at ang mga mag-aaral sa Alternative Learning System.

vuukle comment

ISLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with