^

Police Metro

Government officials na walang ambag, sibakin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang solon kay Pangulong Marcos na sibakin na sa puwesto ang mga opisyal ng gobyerno na walang ambag sa bansa o yaong mga palamuti lamang sa kanilang mga hinahawakang puwesto.

Ito ang mariing panawagan ni 1st District Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at binigyang diin na hindi lamang mga empleyado ng pamahalaan kundi maging mga opisyal pa ang dating masampulan sa rightsizing program.

Aniya mga ‘parasitic entities’ ang mga opisyal ng ­gobyerno na wala namang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi pa ni Alvarez na maraming mga kawani at opisyal ng pamahalaan na tumatanggap ng napakalaking suweldo, pero wala namang malinaw na ambag sa bayan.

Hindi naman tinukoy ng Davao solon ang mga opisyal ng gobyerno na pinasasaringan nitong ‘parasitic entities’ pero kilala na aniya ito ng publiko partikular na sa executive branch.

Inihayag pa ni Alvarez, walang ibang ginawa ang nasabing mga opisyal ng gobyerno kundi ang rumaket matapos na matalaga sa puwesto sa halip na paunlarin ang ahensiyang kanilang hinahawakan.

vuukle comment

GOBYERNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with