^

Police Metro

Turkish national tiklo ng P28.8 milyong cocaine

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Turkish national nang masamsam sa bitbit nitong bagahe ang nasa P28.8 milyong halaga ng powder at liquid cocaine, kamakalawa.

Kinilala ni BOC Commissioner Bien Rubio ang inarestong dayuhan na si Kemal Ozenir, na dumating sa NAIA sakay ng Emirates flight EK 332 mula sa Dubai.

Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, isinailalim sa inspeksyon ang bagahe ni Ozenir dahil sa intelligence report mula sa Homeland Security ng posibleng smuggling ng iligal na droga.

Sa inisyal na pagsusuri pa lamang, na­diskubre na agad ang presensya ng cocaine sa bagahe kaya’t agad na ipinatupad ang pag-aresto kay Ozenir.

Natagpuan sa bagahe ni Ozenir ang cocaine na nasa ‘powder form’ na may timbang na humigi’t kumulang 3,945 gramo at nasa malapot na puting likido na tinata­yang 1,500 milliliter na nagkakahalaga ang kontrabando ng P28,858,500.

Ibinahagi ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na ang suspek ay isinasailalim na sa masusing imbestigasyon para mabatid kung kanino ibabagsak ang naturang iligal na droga.

vuukle comment

BOC

COCAINE

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with