^

Police Metro

Makati traffic enforcers hindi na mangungumpiska ng driver’s license

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita sa mga motoristang may paglabag sa batas trapiko sa Makati City.

Dahil hindi na maaring kumpiskahin ang inyong driver’s license ng mga tauhan ng Public Safety Department (PSD), ang dating MAPSA o Makati Public Safety Department

Ito’y dahil na rin sa naging kasunduan o moratorium  ng Metro Manila Council at Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi pagkumpiska sa mga nagkasalang motorista sa batas ng trapiko hanggat hindi pa naipatutupad ang single ticketing system.

Kabilang si Makati City Mayor Abby Binay sa 17 alkalde ng Metro Manila sa sumusuporta sa nasabing kasunduan.

Ayon sa memo ng City of Government of Makati, epektibo noong Disyembre 13, 2022, sinumang motorista na makagagawa ng traffic offense, ang traffic enforcer ay maglalabas ng Ordinance Violation Receipt (OVR) nang hindi kinukumpiska ang driver’s license ng lumabag.

Tanging dapat ipag-alala ng mga motorista kapag sila ay nakagawa ng paglabag sa trapiko ay ang pagbabayad ng multa sa lalong madaling panahon.

Ang sinumang motorista na nabigyan ng OVR ay magkakaroon ng limang araw para magbayad ng kaukulang parusa at ang hindi pagbabayad ng multa sa loob ng itinakdang oras ay sasampahan  ng pormal na reklamo ang Makati City government sa nagkasalang driver.

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with