^

Police Metro

Gastos sa medikasyon hindi na kaya ng pamilyang mababa ang sahod

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “With the rosy picture promised by Universal Healthcare, 45 percent of costs to seek medical attention is crippling for the low wage-earning families, especially now’.

Ito ang naging pahayag ni Anak Kalusugan Partylist Rep. Ray Florence Reyes na hindi na abot kaya ang gastusin sa medikasyon para sa lahat ng miyembro ng mga pamilyang mababa ang suweldo na lubhang nakakabagabag.

Isa naman sa mga pangunahing dahilan­ ay ang sobrang mahal ng mga bilihin kung kaya napapabayaan na ng mahihirap na mga pamilya na pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Nanawagan din si Reyes sa mga kasa­mahang mambabatas sa Kongreso na im­bestigahan ang nasabing problema.

Tinukoy ng solon na sa isinagawang­ pagdinig ng Kamara ay ibinulgar ng Philippine Health Insurance Corp. (Phil­Health) na out-of-pocket expenditures mula sa 34 hanggang 44.7% ang binabalikat ng mga Pinoy.

Kaugnay nito, nagsagawa si Reyes ng free medical mission sa ilang mga barangay sa lalawigan ng Bulacan upang kahit papaano ay makatulong sa mga ma­hihirap na pamilya.

vuukle comment

MEDICAL BILLS

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with