^

Police Metro

Killer ng LTO exec naaresto ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pagpatay kay Land Transportation Office (LTO) Registration Division chief, Mercedita Gutierrez at isinailalim na sa inquest proceedings.

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang QCPD at sa loob ng 24 oras ay nadakip sa follow-up si alyas Danny batay na rin sa nakuhang bag sa crime scene.

Ayon kay PNP PIO Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo, naaresto si alyas Danny sa Batasan, Quezon City at ebidensiyang naging daan sa pagkaaresto ay ang nakuhang nalaglag na belt bag mismo ng baril at positibo siyang kinilala ng mga saksi.

Nalaglag ang belt bag ni alyas Danny na naglalaman ng OR/CR ng motor na ginamit sa pag-ambush kay Gutierrez.

Patuloy namang iniimbestigahan ang motibo sa likod ng krimen habang kasama sa sinisilip ang posibilidad na kaugnayan sa trabaho at ang personal na galit sa biktima.

Magugunita na Biyernes ng gabi nang barilin ng suspek ang biktima sa panulukan ng Kamias St. at K-H St., sa Quezon City.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with